
Ang Araw ng Kagitingan ay isang mahalagang paalala ng tapang at sakripisyo ng mga Pilipino noong panahon ng digmaan. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-9 ng Abril bilang paggunita sa kabayanihan ng mga sundalong lumaban para sa kalayaan ng bansa noong Bataan Death March.
Sa simpleng pag-alala, napagtatanto natin na ang tunay na kagitingan ay hindi lamang nasusukat sa pakikipaglaban, kundi sa pagmamahal sa bayan at sa kahandaang magsakripisyo para sa kapwa. Ang kanilang mga kwento ay nagsisilbing inspirasyon upang ipagpatuloy natin ang mabuting adhikain para sa bansa.
Sa kasalukuyang panahon, ang diwa ng kagitingan ay makikita sa araw-araw na pagsisikap ng bawat Pilipino. Sa maliit man o malaking paraan, maipapakita natin ang pagiging bayani sa pamamagitan ng katapatan, sipag, at malasakit sa kapwa.
Mabuhay ang mga bayaning Pilipino!
SARA GUGMA KO!
