
“Isang malaking karangalan po para sa akin na pagkalooban ng pagkakataong makatayo sa harap ninyo sa makasaysayang pagdiriwang na ito. Naniniwala po ako na kung mayroon mang pinaka-karapat-dapat na tumayo rito upang magbigay ng inspirasyon sa Araw ng Kagitingan, ito ay walang iba kundi ang ating Punong Bayan, ang kagalang-galang na si Hon. Mayor Jon N. Aying-isang lider na ang buong buhay ay hinubog ng tunay na serbisyo sa bayan at disiplina ng pagiging isang sundalo. Batid ko na ang tinatamasa nating pag-unlad sa bayan ng Sara ay bunga ng inspirasyong ibinibigay ng ating Punong Bayan, na sinasabayan naman ng masigasig na paggawa ng ating Vice Mayor, ng Sangguniang Bayan, ng lahat ng mga empleyado ng Sara LGU, mga kawani ng pamahalaan, at ng bawat mamamayang tumitindig para sa tama.“- Police Major Bello
SARA GUGMA KO!
