
Alam niyo ba kung bakit kailangan natin gunitain ang araw ng kagitingan? Sa panahong ito ay inaalala natin ang kagitingan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na nagsakripisyo at nagbuwis ng kanilang buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Sa kabila ng hirap at panganib, matapang nilang ipinaglaban ang Bataan na sentro noon ng pagdepensa ng bansa. Ang Araw ng Kagitingan ay araw nating mga Pilipino.
Nakikiisa ang Lokal na Gobyerno ng Sara sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan at sa pag-alala sa ating mga magigiting na mga ninuno. Bilang pagtalima sa kahulugan ng araw na ito, ipakita natin sa konkretong paraan ang ating pagpupugay sa mga bayani noon at ngayon. Huwag natin sayangin ang kanilang mga sakripisyo. Saludo kami sa kadakilaan ng mga Sundalong Pilipino at Amerikanong lumaban sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig para sa atin bayan. Saludo rin kami sa mga magigiting na bayani ng kasalukuyan.
Tandaan natin na tayong lahat ay maaaring maging bayani sa ating simpleng paraan katulad ng paggawa ng tama at pagtulong sa ating kapwa Pilipino.
SARA GUGMA KO!