Isang maalab na pagbati at pagpupugay sa ating mga manggagawang Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa o Labor Day ngayong araw, Mayo 1.
Kasama ang Lokal na Gobyerno ng Sara ng buong sambayanan lalo na ng bayan ng Sara sa pagpapasalamat at paggunita sa mahalagang papel na ginagampanan ng ating mga manggagawa para sa pagtataguyod ng ating industriya at pag-ikot ng ating ekonomiya. Hindi matatawaran ang mga sakripisyo ng mga manggagawang Pilipino sa pagtatrabaho para sa bayan, mamamayanan, publiko, pribado, pamilya, at kaibigan kahit kakambal ang panganib, init, ulan, araw, gabi, pawis, at iyak. Kaya, isang mahigpit na yakap sa ating mga butihing drayber, construction worker, tindero/tindera, security guard, traffic enforcer, guro, doktor, nars, empleyado ng gobyerno, at iba pa.
At bilang pagpupugay, narito ang mga larawan ng mga magigiting na manggagawang-Saranhon sa bayan ng Sara!