Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan na puno ng pag-alala sa mga taong nagbuwis ng buhay at nakibaka upang ito’y ating makamit.

Sa loob ng ilang dekada, nakulong ang kalayaan ng mga Pilipino sa mga dayuhang mananakop, ngunit dahil sa pagnanais, pagsasakripisyo, at paniniwala ng ating mga bayaning ninuno ito’y ating natamasa noong Hunyo 12, 1898. Ito ay isinagawa sa Kawit, Cavite, kung saan unang iwinagayway ni Heneral Emilio Aguinaldo ang watawat ng bansa at pinatugtog ang Marcha Filipina Magdalo (na naging Pambansang Awit).

Nawa’y na ang kasaysayan magsisilbing tagapukaw sa ating mga puso at isipan na palagi nating piliin ang kapayapaan, kalayaan, kaunlaran, demokrasya sa araw-araw ng ating pamumuhay.

Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!

SARA GUGMA KO!

View post on facebook