Bakit nga ba tuwing huling Lunes ng Agosto atin ipinagdiriwang ang National Heroes Day? At paano nga ba nagsimula ang pagdiriwang sa araw na ito?

Balikan natin ang kasaysayan…

Noong Oktubre 28, 1931, ipinasa ang Act No. 3827, na nagdeklara sa huling Linggo ng Agosto bilang opisyal na National Heroes Day. Layunin nitong bigyang-pugay ang lahat ng Pilipino na nagpakita ng kabayanihan para sa ating bayan. Ngunit nagbago ang paggunita sa paglipas ng panahon.

Noong 1942, panahon ng Japanese occupation, itinakda sa Nobyembre 30 ang National Heroes Day—kasabay ng paggunita kay Andres Bonifacio.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ibinalik noong 1952 ang pagdiriwang sa huling Linggo ng Agosto. At noong 2007, nilagdaan ang Republic Act No. 9492, na nagtakda na ang National Heroes Day ay ipagdiwang tuwing huling Lunes ng Agosto. Ito ang petsang sinusunod natin hanggang sa kasalukuyan.

Pero may mas malalim na dahilan kung bakit Agosto ang napiling panahon ng paggunita.

Ang buwan na ito ay malapit sa mahahalagang pangyayari ng Philippine Revolution of 1896—kabilang ang Cry of Pugad Lawin noong Agosto 23 at ang Battle of Pinaglabanan noong Agosto 30. Mga pangyayaring sumasalamin sa tapang ng mga Pilipinong lumaban para sa ating kalayaan.

Kaya sa bawat paggunita natin ng National Heroes Day, hindi lamang natin inaalaala si Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Gabriela Silang, at iba pang mga kilalang bayani.

Inaalala rin natin ang mga ordinaryong Pilipinong gumawa at gumagawa ng extraordinaryong sakripisyo—mga sundalo, guro, manggagawa, magsasaka, frontliners, volunteers, at mga mamamayang tahimik na naglilingkod sa kapwa at bayan.

Dahil ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa laki ng pangalan sa libro. Minsan, ang tunay na bayani ay ang mga taong patuloy na nagsisilbi kahit walang palakpak, walang medalya, at walang naghihintay ng kapalit- ang mga katulad nila ay mga bayani rin.

Ngayong National Heroes Day 2026, alalahanin natin ang kanilang mga sakripisyo—at tanungin ang ating sarili: “Sa sarili kong paraan, paano ako magiging bayani para sa aking kapwa at para sa Pilipinas?”

Mabuhay ang ating mga Bayani.�Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

SARA GUGMA KO!